Tuloy-tuloy ang pagbabanatay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) sa apat na bulkang nananatiling nasa alert level sa kabila ng malawakang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
Kinabibilangan ito ng Bulkang Taal, Bulkang Mayon, Bulkang Bulusan, at Bulkang Kanlaon.
Ang mga naturang bulkan ay patuloy na nakikitaan ng ilang aktibidad habang nasa ilalim ng alert level: Level 1 ang Taal, Level 2 ang Kanlaon, Level 1 ang Mayon, habang Level 1 din ang Bulusan.
Ayon sa Phivolcs, nakpagtala ang Taal ng apat na volcanic earthquake habang nagpapatuloy naman ang pagbuga ng usok na tinatayang may 600 meters ang taas.
Isang rockfall event naman ang naitala sa bulkang Mayon kasama ang short-term inlfamation o pamamaga sa ilang bahagi nito.
Sa Bulusan, naitala ang isang volcanic earthquake habang nananatiling mataas ang ibinubuga nitong sulfue fioxide na umaabot sa 2048 kada araw.
Nakikitaan din ito ng pamamaga.
Tuloy-tuloy naman ang paalala ng ahensiya sa publiko na iwasan ang pagpasok sa loob ng permanent danger zone ng mga naturang bulkan habang nagpapatuloy pa rin ang banta ng posibleng pagbuga, pagkahulog ng mga tipak ng bato at lupa, atbpa.
Samantala, hindi rin tinatanggal ng Phivolcs ang posibleng pag-agos ng lahar mula sa bulkang Mayos, lalo na kung ma-expose ito sa tuloy-tuloy na mabibigat na pag-ulan.