-- Advertisements --

Walang na-detect ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na anumang banta ng tsunami sa ating bansa.

Ito ay kasunod ng pagtama ng malakas na magnitude 7 na lindol dakong 1:37 ng hapon.

Ayon sa ahensiya, walang nakikitang banta ng mapaminsalang tsunami base sa availble na data kayat walang kaukulang aksiyon ang dapat na gawin.

Paliwanag pa ng Phivolcs na ang tsunami ay isang serye ng mga alon sa dagat na karaniwang nabubuo sa pamamagitan ng undersea earthquakes at maaaring pumalo ang laki nito ng mahigit 5 metro.