-- Advertisements --

Walang na-detect ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na banta ng mapaminsalang tsunami sa Pilipinas kasunod ng malakas na magnitude 6.8 na lindol na tumama sa Sea of Okhotsk ngayong araw ng Sabado.

Ayon sa ahensiya, tumama ang malakas na lindol sa naturang karagatan na nasa pagitan ng Russia at Japan kaninang alas-11:28 ng umaga.

Kaugnay nito, walang kaukulang aksiyon ang inirerekomenda kasunod ng pagyanig.

Ang Tsunami ayon sa Phivolcs ay serye ng mga alon sa dagat na karaniwang nagdudulot ng pagyanig sa ilalim ng dagat at maaaring lumagpas sa 5 metro ang taas nito.