-- Advertisements --
Walang nakikitang banta na magkakaroon ng tsunami sa bansa ang Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Kasunod ito nang tumamang magnitude 6.7 na lindol na yumanig sa bansang Taiwan bansdang ala-1:41 ng madaling araw kanina.
Tinatayang may lalim na 30.6km o 19 miles ang nasabing lindol na namataan malapit sa lungsod ng Taitung kung saan wala namang napaulat na pinsala dito, ngunit niyanig naman nito ang mga gusali sa kabisera sa Taipei.
Matatagpuan ang Taiwan malapit sa junction ng dalawang tectonic plate sa South China Sea na prone naman sa mga lindol.