Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na wala itong nakikitang anumang banta ng tsunami na posibleng tumama sa Pilipinas.
Kasunod ito ng malakas na lindol na yumanig sa Pacific island nation of Tonga.
Batay sa datos ng PHIVOLCS ay wala itong namomonitor na anumang uri ng destructive tsunami na dulot ng nasabing lindol dahilan kung bakit hindi anila required ang anumang uri ng aksyon sa ngayon.
Samantala, sa ibayong dagat naman ay nag-abiso na rin ang US Tsunami Warning System na wala rin itong nakikitang anumang banta ng tsunami sa US West Coast, British Columbia, at Alaska nang dahil pa rin sa natruang lindol.
Habang sinabi rin ng Bureau of Meteorology ng Australia na wala ring banta ng tsunami na posibleng tumama sa kanilang bansa.