-- Advertisements --
Walang namonitor ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na banta ng tsunami sa Pilipinas matapos tumama ang magnitude 6.2 na lindol sa Papua New Guinea nitong umaga ng Lunes, Abril 15.
Sa inisyung tsunami advisory ng ahensiya, walang mapaminsalang banta ng tsunami ang naobserbahan base sa available data.
Una rito, niyanig ng 6.2 magnitude na lindol ang New Britain region sa Papua New Guinea.
Base sa German Research Center for Giosciences, may lalim ba 79 km o 49.1 miles ang naitalang lindol.
Subalit iniulat ng Phivolcs na nangyari ang lindol bandang 4:57 ng umaga kung saan ito magnitude 6.5 ang naitalang pagyanig ng ahensiya na may lalim na 81km.