-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na aabot sa 23 volcanic earthquakes ang kanilang naitala mula sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.

Ayon sa ahensya, naobserbahan rin ang 4,186 tonnes ng sulfur dioxide na ibinuga nito.

Bukod dito ay naminotor rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang pag singaw o plumes na may taas na 75 meters .

Ito ay napadpad sa southwest na direction ng bulkan patunay na patuloy ang degassing nito.

Patuloy rin ang occasional na pagbuga nito ng abo habang nanatiling namamaga ang bunganga ng bulkan.

Sa ngayon nakataas pa rin sa alert level 3 ang bulkang Kanlaon.

Dahil dito ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga residente at turista ang pagpasok sa 6 kilometer permanent danger zone at maging ang pagpapalipad ng anumang uri ng sasakyang panghimpapawid malapit sa bunganga nito.