Ikinatuwa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibigyan niya ng panibagong housing project ang militar.
Sinabi ito ng pangulo sa ika-120th founding anniversary ng Philippine Army kung saan inanunsiyo nito na mas maganda ang lugar, kumpleto sa tubig at ilaw, malaki ang espasyo ang panibagong housing project ang ibibigay ni Duterte para sa mga sundalo at pulis.
Lalo pang ikinatuwa ng militar na mismo ang pangulong Duterte ang mag su-supervise sa housing project na target makumpleto sa buwan ng Disyembre.
Una rito umapela si Pangulong Duterte sa Philippine Army na maghintay hintay lamang ang mga ito para sa panibagong housing project.
Ayon kay Philippine Army spokesperson Col. Benjie Hao na excited ang militar sa pangako ng pangulo.
Sinabi ni Hao na sila ay tatalima sa apela ng pangulo at kanilang kakausapin ang mga sundalo at ipaliwanag sa mga ito ang naging posisyon ng pangulo.
Giit ni Hao na excited sila sa naging plano ng pangulo para sa mga sundalo lalo na sa pagbibigay ng matitinong housing projects.
“We will adhere to the President’s appeal. We will talk to our troops and explain to them the position of our President. We are also happy and excited to hear his plans to give our troops better housing facilities,” pahayag ni Hao.