-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nalampasan pa ng Philippine team sa arnis ang target nilang mabulsa na gintong medalya sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games.

Ito ay matapos na umabot na sa 14 na gold, limang silver at dalawang bronze medals ang nasungkit ng mga pambato ng Pilipinas sa naturang kompetisyon.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay arnis gold medalist Sheena Del Monte, sinabi nitong labis silang nagpapasalamat sa lahat ng sumusoporta sa kanila.

Lubos na nagpapasalamat sina Del Monte sa Philippine Eskrima Kali Arnis Federation (PEKAF) dahil sa hindi sila pinabayaan sa lahat ng paghihirap sa mga trainings.

”Nagpapasalamat kami sa lahat ng mga sumuporta sa mga kakilala man namin o hindi, ganun din sa aming mga kaibigan at sa mga pamilya namin. Pati sa team namin at sa mga coaches po, nagpapasalamat po sa walang sawang suporta kahit na nahihirapan sia minsan sa amin hindi sila nagsasawa, andiyan sila palagi.” saad ni Del Monte.

Masaya namang ipinagmalaki ni PEKAF President Migz Zubiri na nakakuha ng medalya lahat ng Philippine arnisadors mula sa 20 arnis games.