Nakatakdang magkapirmahan na ng deal o kontrata ang gobyerno ng Pilipinas at British pharmaceutical firm na AstraZeneca para sa 20 million doses ng COVID-19 vaccine bukas, Enero 14.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr., pagkatapos ng pirmahan bukas, magkakaroon ng tripartite supply agreement signing sa pagitan ng national government, local government units (LGUs) at ang vaccine maker na AstraZeneca.
Ayon kay Sec. Galvez, ang magiging respoinsibilidad ng LGU ay mag-administer sa mga bakuna para sa kanilang mga constituents.
Inihayag ni Sec. Galvez na ang supply chain requirement ay pagtutulungan ng national government, LGUs at private sector habang kung 30 percent lamang na bakuna ang mabibili ng LGUs gamit ang kanilang budget, national government ang magpupuno ng 70 percent.
Ang nasabing deal na lalagdaan ay bukas ay dagdag sa naunang tripartite agreement sa pagitan ng Philippine government, private sector at AstraZeneca para sa 2.6 million doses ng bakuna ng pinirmahan noong Nobyembre 2020.