-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Army at Australian Army na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang military ties sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic.


Sa isang telephone call, tinalakay nina Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Cirilito Sobejana at Australian Chief of Army Lt. Gen. Rick Burr ang ongoing efforts para labanan ang Covid-19, kasama dito ang kasalukuyang security ebnvironment at ang status sa posibleng PH-AUS activities.

Sa nasabing pag-uusap, iginiit ni Sobejana na ginagawa Philippine Army ang lahat para maging terror-free country ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Sobejana na mahalaga ang joint efforts para labanan ang terorismo.

Pinasalamatan naman ni Sobejana si Burr bilang unang Chief of Army na kanilang foreign counterpart na bumati sa kaniya sa pag-assume nito bilang bagong CGPA.

Inihayag naman ni Burr na maganda ang kuneksiyon ng dalawang armies dahil sa mga framework na sinusunod para tugunan ang problema sa terorismo.

Naniniwala ang Australian Army chief na mahalaga na magkaroon ng magandang relasyon at nagkakaisa ang dalawang armies para labanan ang terorismo.

Kapwa din ibinahagi nina Sobejana at Burr ang kanilang mga best practices amd efforts para labanan ang Covid-19 virus.