-- Advertisements --

Kasunod ng paglutang na tuloy na ngayong taon ang 69th edition ng Miss Universe, tila sumabak na rin sa training ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo.

Sa pamamagitan ng tinatawag na IG Story, ni-repost ng 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo, ang post ng ilan sa kanyang kaibigan na kinabibilangan ng fashion designer na si Bessie Besana.

Rabiya pahiwatig 3
Rabiya pahiwatig 4

Nariyan ang pag-take down notes ni Rabiya, pagtalakay sa mga current events, at ang pagsalang sa interview portion.

Wala naman itong direktang binanggit hinggil sa napaulat na gaganapin ang Miss Universe coronation sa darating na May 16 sa Amerika.

Ito’y matapos umano ang internal discussions sa Miss Universe Organization (MUO) kabilang ang konsultasyon sa mga health officials at immigration experts sa gitna ng coronavirus pandemic.

Sa panig ng Miss Universe Organization, sinasabing tsaka lamang sila maglalabas ng official announcement kapag naisapinal na ang negosasyon.

Kamakailan lang sa pambihirang pagkakataon, ay nagbigay na ng updates ang MUO patungkol sa Miss Universe delegates na irarampa sa fashion week.

Kung maaalala, si Rabiya ang unang nakoronahan sa hiwalay na Miss Universe Philippines franchise at tatangkain maibigay sa bansa ang pang-limang korona.