Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Consulate General sa Jedda, Saudi Arabia ang lahat ng kanilang operasyon simula ngayong Hunyo 23 hanggang Hulyo 2.
Sa advisory na kanilang isinalabas, sinabi ng Consulate na isa sa kanilang mga empleyado at dalawa sa kanilang dating wards ang nagpositibo sa COVID-19.
Ayon sa Consulate, ang trabaho ng kanilang empleyado na nagpositibo sa COVID-19 ay involve sa high public exposure.
Ang dalawang lalaking wards naman anila ay umuwi na ng Pilipinas kamakailan.
Kabilang sa mga serbisyo ng Consulate na apektado ng kanyang temporary suspension ay ang passporting, legalization ng mga dokumento, civil registry, POLO, DSWD-SWAT, SSS, Pag-ibig at PTIC services.
Hinimok naman ng Consulate ang lahat ng mga bumisita sa opisina mula noong Hunyo 14 hanggang noong Hunyo 18 na i-monitor ang kanilang kalusugan at tumawag sa 937 kung may maranasang sintomas ng COVID-19.