-- Advertisements --
Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Florida na walang Pilipinong nadamay sa pagsabog mula sa isang shopping mall doon bunsod ng umano’y gas leak.
Sa isang statement, sinabi ng Philippine Consulte na batay sa kanilang ginawang pagtatawag sa Philippine community sa Plantation, Florida at pag-monitor sa social media, walang Pilipinong napaulat na kasama sa mga biktima sa naturang pagsabog.
Nabatid na 21 katao ang sugatan sa pagsabog sa Fountain Plaza shopping center, at nasira rin ang isa fitness gym doon.
Nadamay din ang maraming bilang ng mga sasakyan at mga building sa nasabing pagsabog sa Plantation, nasa 50 kilometro ang layo sa Miami.