-- Advertisements --

Pabor si Defense Sec. Delfin Lorenzana na maghain ng protesta laban sa China kung mapapatunayang totoo ang umano’y pambabraso ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingsida sa Scarborough Shoal.

Ito’y matapos lumabas ang ulat na sapilitan umanong kinuha ng Chinese Coast Guard ang mga kanilang mga huling isda.

Ang mga mangingisda ng Zambales ang siyang biktima ng panibagong harassment ng China.

Ayon kay Lorenzana, maging si Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ay suportado rin ang paghahain ng diplomatic protest kontra sa Beijing basta’t mapapatunayang totoo ang “harassment” ng Chinese Coast Guard.

Nakatakda rin umanong kausapin ni Lorenzana ang mga mangingisdang Pinoy na sangkot sa insidente, pati na rin ang ilang mga testigo.

Sinisi naman ng kalihim ang Aquino administration dahil sa maling paghawak sa isyu sa West Philippine Sea.