Ipinagmalaki ni Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) Director General Rowel Barba na dahil sa matatag na enforcement measures lalo na sa umano’y paggamit ng hindi lisensyadong software ng mga ahensya ng gobyerno ay matagal nang wala ang Pilipinas sa watch list ng Estados Unidos.
Ayon kay Barba, magandang balita para sa bansa na hindi ito kasama sa US Trade Representative’s (USTR) Special 301 Report. Maituturing aniya itong isang achievement simula 2014 na tumutulong mag-promote sa Pilipinas bilang magandang investment place para sa Amerika at iba pang foreign businesses.
Nakapaloob sa 2021 Special 301 Watch List, ang listahan ng mga bansa na lumalabag sa intellectual property rights.
Matagal na aniyang binigyan ng clearance ng USTR ang Pilipinas mula sa mga alegasyon na umano’y paggamit ng mga government agencies sa mga unlicensed software, isang isyu na tinugunan kaagad ng pamahalaan noong 2019.
“Most especially, we are pleased with the removal of the erroneous finding that our own government uses unlicensed software, a claim which we have repeatedly disproved,” wika ni Barba.
Sa naging paliwanag nito sa USTR, inilatag ng ahensya ang Republic Act 9184 o ang Government Procurement. Gayundin ang Reform Act of 2002, na naglalatag ng striktong eligibility requirements para sa mga legitimate bidders, Tanging ang mga legitimate bidders lang kasi na otorisado at may magandang kalidad ng produkto ang maaaring sumali sa bidding process.
Kalakip din nito ang breakdown ng U.S. Embassy — sa tulong ng Department of Budget and Management — sa listahan ng mga government agencies na gumagastos sa pagbili ng mga lisensyadong softwares.
Saad pa ni Barba na ang pagbawas sa mga areas of concerns ay patunay sa whole-of-society work ng IPOPHL upang manguna sa enforcement efforts ng 12-member National Committee on IP Rigths (NCIPR) at collaboration sa mga private stakeholders.
“As NCIPR acting chair, IPOPHL lauds our members, the Department of Trade and Industry; Department of Justice; Bureau of Customs (BOC); Food and Drug Administration (FDA); National Bureau of Investigation; Philippine National Police; Optical Media Board; National Book Development Board; Office of the Special Envoy on Transnational Crime; Department of the Interior and Local Government; and National Telecommunications Commission for another job well done. We also thank our stakeholders from the private sector who continue to willingly participate in enforcement discussions, sharing our goal of creating a culture of respect of IP in the country,” wika ng opisyal.
Para naman kay IPOPHL Deputy Director General Teodoro Pascua, magpapatuloy lang ang whole-of-society work ng ahensya habang nakikipag-ugnayan ito sa USTR para tugunan ang ilan pang natitirang alegasyon, tulad ng mabagal na opposition at cancellation ng mga proceedings at geographical indication (GI) provisions. Hindi rin makakaligtas dito ang pagiging source umano ng bansa ng mga pekeng gamot.
Hanggang ngayon aniya ay pinatutunayan ng ahensya sa USTR sa pmamagitan ng mga facts-based answers na patuloy ang improvement ng administrative proceedings on opposition at cancellation.