-- Advertisements --

Tinambakan ng husto ng Gilas Pilipinas ang host Malaysia ng 32 points para itala ang ikatlong panalo, 98-66, sa nagpapatuloy na SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Dahil sa wala pang talo nangunguna ngayon ang Gilas cadets sa Group A kaya pasok na ito sa semifinals.

Magsisimula ang knockout game sa Biyernes upang harapin ang magiging No. 2 team sa Group B.

Samantala nanguna naman sa national squad ang Fil-German na si Christian Standhardinger na nagtala ng double-double performance na may 18 points at 18 rebounds.

Hindi rin naman nagpahuli si Kobe Paras na kumamada ng  16 points at 8 rebounds at nagpakitang gilas pa sa kanyang mga slam dunk.

Kapwa naman may tig-12 points sina Kiefer Ravena at Troy Rosario.

Sa first quarter ng laro ay naging dikitan ang laban at abanse pa sa pagtatapos ng quarter ang Malaysia.

Pero pagsapit ng second quarter hanggang fourth quarter ay dinomina na ng husto ng mga Pinoy ang laro.

Ito ay kahit na-eject pa sa game sina Baser Amer at Carl Bryan Cruz sa 3rd quarter makaraang magkainitan sa ilang players ng Malaysia.

Scores:
Philippines 98 – Standhardinger 18, Paras 16, Ravena 12, Rosario 12, Amer 10, Ferrer 6, Vosotros 6, Tolomia 5, Jose 4, Pessumal 4, Cruz 3, Parks 2