-- Advertisements --
DOLE silvestre bello
DOLE SEC SILVESTRE BELLO

CAUAYAN CITY – Patuloy na tinututukan ng pamahaalan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sa Lunes ay ipapadala na ng pamahalaan si OWWA Administrator Hans Leo Cacdac sa Saudi Arabia upang bigyang abiso ang mga OFW.

Ipapadala naman si Undersecretary Bernard Olalia sa Lebanon habng si Usec. Claro Arellano sa United Arab Emirates.

Kasama ng mga opisyal ang tig-dalawang bumubuo ng Risk Rapid Response Team upang tumulong kapag magkaroon ng paglilikas sa mga OFWs ngunit sa ngayon ay wala pang ipinapatupad na force evacuation sa mga bansa sa middle east.

Samantala, inihayag pa ni Bello na dumalo siya sa pagpupulong na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na dinaluhan din nina Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Interior Sec. Eduardo Año at Transportation Sec. Arthur Tugade upang pag-usapan ang mga hakbang na gagawin kapag kinakailangang ilikas ang mga OFWs sa Middle East.