Ikinatuwa ng Malacañang ang completion ng isang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia patungkol sa delimitation ng exclusive economic zone boundary ng dalawang bansa.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang completion ng listahan ng mga requirements ang highlight ng bilateral meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at President Joko Widodo ng Indonesia kagabi.
Sinabi ni Panelo na ipinapakita lamang ng accord na ito ang “strong and tight bond” sa pagitan ng dalawang bansa.
Bukod dito, ayon kay Panelo, itinuturing ng Malacañang ang legal instrument na ito bilang magandang precedent sa kung paano maresolba ang mga maritime concerns at maresolba rin ang ‘di pagkakaintindihan alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).