Abot kamay na ng Pilipinas ang Olympics matapos na umakyat ito sa No. 24 sa buong mundo sa pinakahuling Fiba 3×3 men’s rankings.
Naabot na kasi ng bansa ang baseline threshold na itinakda ng Fiba na mahigit 6.6-milyong points at posibleng makakuha na ng ticket sa Olympic Qualifying Tournament sa Marso ng susunod na taon.
Aminado si league owner Ronald Mascariñas na nabigla sila sa nasabing balita lalo pa’t inumpisahan nila ang taon na nasa rank 60 lamang.
Pinuri rin nito ang ipinamalas na dedikasyon ng kanilang players at staff upang maabot nila ang Top 24.
“This is a surprising development even for us,” ani Mascariñas. “We started the year at 60 and many said that making it to an Olympic Qualifying Tournament was improbable.
“But with the hard work of our players and our staff, we were able to crack the Top 24.”
Binigyang diin naman ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio na nasa tamang landas daw ang Philippine basketball kasunod ng naturang development.