-- Advertisements --

Hinihikayat ng isang public health expert ang publiko na huwag maging maigas ang ulo at sumunod lamang sa mga coronavirus precautions na pinaiiral ng bansa.

Sinabi ni Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health and Research adn Development, na hindi dapat umasa ang mga Pilipino na magkakaroon na ng bakuna kontra COVID-19 ngayong taon.

Nakikita raw kasi ng mga eksperto na sa 2021 pa magkakatoon ng bakuna na pwedeng gamitin sa bansa at may approval ng Food and Drug Administration (FDA).

Sa ngayon ay wala pang aprubadong gamot o paraan ng panggagamot ang inaaprubahan para sa deadly virus.

Sa oras din na maging available na ang gamot sa publiko ay makakakuha ang Philippine Government ng 20 percent ng total demand nito sa pamamagitan ng COVAX.

Pinangungunahan ng Coalition for Epidemic Preparedness Innovations (CEPI), GAVI at World Health Organization (WHO) ang COVAX na siyang global initiative ng mga bansa at manufacturers sa buong mundo para siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access sa COVID-19 vaccine ang lahat ng bansa.

Aabot ng P500 to P1,000 per shot ang bakuna sa oras na payagan na ito ng FDA. Dalawang doses ng vaccine ang ibibigay sa isang indibidwal sa pagitan ng 20 hanggang 28 araw.