Tiniyak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magsasampa ng protesta ang Pilipinas laban sa China kapag napatunayang na hinarass ng China ang mga Pilipinong mangingisda sa may bahagi ng Pagkakaisa Bank o Union Bank ng isang banyagang barko.
Napaulat kasi na hinarras umano ng Chinese coast guard ang mga mangingisda mula Bataan.
Una nang sinabi ni Lorenzana na kailangang magprotesta ng Pilipinas kapag may ganitong klaseng mga insidente upang ipakitang pumapalag ang bansa.
Hinikayat naman ni AFP chief of staff Lt. General Eduardo Año ang mga mangingisdang Pilipino na magsumbong agad sa mga otoridad sakaling makaranas ng ganitong klaseng panghaharass sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Sa ngayon patuloy ang ginagawang validation ng militar ukol sa report.
Aniya, kanila pang hinihintay ang mga pahayag ng mga mangingisdang naging biktima ng harassment.
Inatasan ni Año ang Western Command at ang Northern Luzon Command para mag imbestiga at kung totoo ang insidente ay ipaalam kaagad sa nakakataas at sa Department of Foreign Affairs (DFA) para sa kaukulang aksyon.