Naniniwala ang defense department na malaking tulong sa pagsugpo sa mga planong terror attacks ang paglunsad ng joint maritime security patrols sa pagitan ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia.
Ayon kay defense spokesperson Arsenio Andolong malaking bagay ang nakatakdang paglunsad ng maritime security arrangement ng tatlong bansa, layon nito para mapigilan ang anumang mga terroristic activities na posibleng mangyari sa mga respective maritime boarders sa pagitan ng tatlong bansa na bahagi ng ASEAN.
Naniniwala si Andolong na kapag nailunsad na ito, mahihirapan na ang mga teroristang grupo na gawin ang kanilang mga terroristic activities.
Hindi na rin basta basta makapasok at makapalabas sa mga entry at exit points ng mga nasabing bansa ang mga terorista.