-- Advertisements --
GOLD MEDALIST WOMEN MARATHON CHRISTINA HALLASGO
New SEA Games marathon champ Christine Hallasgo (Photo courtesy Bombo Sol Marquez)

(Update) Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Christine Hallasgo na kanyang natalo ang South East Asian (SEA) Games reigning champion at Olympian na si Maryjoy Tabal.

Una nang nagreyna si Hallasgo sa women’s division ng 42 kilometer run na unang event ng athletics sa nagpapatuloy na SEA Games.

Pumangalawa si Tabal at pangatlo si Hong Le Thi Pam ng Vietnam.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inamin ni Hallasgo na hindi pa rin siya makapaniwala na natalo niya ang kaniyang idolong si Tabal.

Ang tanging nasa isip lamang umano niya ay makapag-ambag ng gintong medalya para sa Pilipinas.

Ikinatuwa naman nito ang nakamit na tagumpay at iniaalay niya ito sa kaniyang anak na iniwan niya sa Bukidnon upang tuparin ang kaniyang pangarap.

Ginawa naman niyang motivation ang kahirapan sa buhay para iangat ang kabuhayan lalo na sa kaniyang tatlong taong gulang na anak.

Samantala bigo namang makakuha ng medalya ang pambato ng Pilipinas sa men’s division sa parehong event.

tabal collapse sea games marathon
Olympian Maryjoy Tabal collapses on the oval track (Photo by Bombo Jerald B. Ulep)

Nasa ika-apat na puwesto lamang si Jerard Zabala at pang-anim si Anthony Simpiciano Nerza.

Nanguna sa long distance run si Agus Prayogo mula Indonesia, pangalawa si Sanchai Namkhet mula Thailand at Mohammad Mohaizar mula Malaysia.

IMG 20191206 062220
Photo courtesy from Bombo Jerald B. Ulep