-- Advertisements --

frigate

Naglayag mula sa Hyundai Shipyard sa Ulsan, South Korea ang pangalawang bagong frigate ng Philippine Navy ang BRP Antonio Luna (FF-151) para sa huling sea acceptance trials bago i-deliver sa Pilipinas.

Sakay ng barko ang Technical Inspection and Acceptance Committee (TIAC) ng AFP na pinamumunuan ni Rear Admiral Alberto Carlos, AFP Deputy Chief of Staff for Logistics, J4.

Ayon kay Carlos, nakapasa na sa 90 porsyento ng sea acceptance trials ang barko, at pagkatapos ng isang linggong pagsubok na ito ay inaasahang aabot sa halos 100 porsyento ang performance rating nito.

Ang pagsubok ay nakatutok sa mga weapons at sensor system ng barko na magpapatunay ng full combat capability ng barko.

frigate1

Pagkatapos nito ay dadaong uli ang barko para sa final-outfitting bago i-deliver sa Pebrero.

Ang BRP Antonio Luna ang sister ship ng BRP Jose Rizal (FF-150) na binili ng brand new ng Pilipinas mula sa South Korea sa ilalim ng P16 bilyong frigate acquisition project ng Phil. Navy.