-- Advertisements --

LA UNION – Tumulong na rin ang mga kawani ng Philippine Navy sa paghahanap sa pitong mangingisda na nawawala sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Navy Capt. Jojit Ofiaza, information officer ng Naval Forces Northern Luzon, sinabi nitong gamit ang kanilang barko at air assets ay kasalukuyang sinusuyod nilang ang karagatang bahagi ng Ilocos Sur.

Ayon sa opisyal, umaasa silang matatagpuan din ang mga nawawalang mangingisda na pawang mga taga Pangasinan.

Una rito, noon pa sanang Enero 14 na inaasahang makakauwi sa kanilang tahanan ang mga nasabing mangingisda ngunit nabigo ang mga ito matapos nagkaaberya umano ang makina ng sinasakyang bangka matapos hambalusin ng mga naglalakihang alon sa karagatan.