-- Advertisements --
1hawai

Dumating na sa Joint Base Pearl Harbor-HICKAM, Hawaii sa Estados Unidos ang brand new and fist missile-capable frigate ng Philippine Navy ang BRP Jose Rizal (FF150) kasama ang naval helicopter para lumahok sa Rim of the Pacific Exercise (RIMPAC) 2020 na magsisimula sa August 17 hanggang 31.


Ayon kay Philippine Navy Spokesperson LCDR Maria Christina Roxas, habang papasok sa Pearl harbor ang warship ng Pilipinas, nagsagawa ng “manning the rail” at nag render ng salute sa USS Missouri at USS Arizona bilang pagpupugay sa mga fallen heroes nuong World War II.

Sinabi ni Roxas bilang pagsunod sa COVID-19 protocols, hindi pinapayagan ang Philippine Navy contingent na bumaba sa barko.

Ito ay bilang pagsunod sa health and biosafety protocols para matiyak ang kapakanan ng nasa 120 sailors and aviators laban sa Covid-19 virus.

Tatlong araw mananatili sa pier ang BRP Jose Rizal para sa logistical support nito.

3hawaii 1

Winelcome naman ng mga officials ng Philippine Consulate General to Honolulu, Hawaii, na pinamumunuan ni Consul General Joselito A. Jimeno ang contingent ng BRP Jose Rizal.

Sa pamamagitan ng telepono nakipag-usap si Capt. Jerry Garrido ang task force commander at skipper ng BRP Jose Rizal sa Consul General matapos ang ginawang mooring of the ship.

Pinasalamatan ni Capt. Garrido si Jimenro sa ginawang pagsalubong sa Philippine contingent.

Sa pagdating ng FF150 sa Hawaii, kinukunsidera ni Garrido ang nasabing joint exercises ay isang oportunidad para sa Philippine Navy na mabigyan ng latest training and techniques sa modern naval warfare.

Layon din ng Philippine Navy na maging advance ang kanilang maritime operational capability at paigtingin ang kanilang readiness and interoperability.

2hawaii

Nilinaw ni Roxas na ang RIMPAC20 exercise ay gagawin sa karagatan kung saan lahat ng key components ng NTG ay sabay sabay makilahok sa Surface, Air, Sub-surface and Maritime Security Operations.

” The exercise will give a unique training opportunity for the participating nations including the PN to enhance their proficiency to integrate into an international force and improve readiness to contribute to a wide range of potential coalition operations,” pahayag ni Roxas.