Bumibiyahe na ngayon patungong Hawaii ang crew ng Philippine Navy (PN) warship, BRP Jose Rizal (FF150) kasama ang shipborne helicopter.
Miyerkules ng umalis sa Foxtrot 3 Wharf, Guam Commercial Port, APRA Harbor, Guam, USA ang frigate ng Pilipinas.
Si Capt. Gerry Garrido ang commanding officer ng BRP Jose Rizal.
Lalahok ang Philippine Navy warship sa tinaguriang world’s premier and largest joint and combined naval exercise ang Rim of the Pacific Exercise 2020 (RIMPAC20).
Ang nasabing joint navy exercises ay pangungunahan ng US Navy sa pamumuno ni Commander, U.S. 3rd Fleet, Vice Adm. Scott D. Conn.
Habang bumibiyahe ang frigate nagsagawa ng ground round maintenance sa may flight deck ng barko at isang oras na maintenance flight.
Ang pilot-in-command ng shipborne helicopter ang PNH435 (AW109) ay si Lt Denver Ramon at ang co pilot nito ay si Lt Lucien Caiman.
Siyam na araw ang biyahe ng BRP Jose Rizal patungong Hawaii.
Ayon sa Philippine Navy ang paglahok ng BRP Jose Rizal sa RIMPAC 2020 ay magsisilbing shakedown cruise sa brandnew warship at para na rin ma test ang seaworthiness at performance ng barko.
Magsisimula ang RIMPAC 2020 sa August 17 hanggang August 31.
Lahat ng navy drills ay gagawin sa karagatan, hakbang na rin ito para makaiwas sa Covid 19 virus.
Ayon kay Commander, U.S. Pacific Fleet Adm. John Aquilino, kabilang sa gagawing exercise ay ang multinational anti-submarine warfare, maritime intercept operations, at live-fire training events.
Samantala, nilinaw naman ng Department of National Defense (DND) na tanging ang joint military exercises sa West Philippine Sea ang ipinagbawal ng Pang. Rodrigo Duterte.
Ito ay para maiwasan ang anumang tensiyon sa nasabing rehiyon.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana maaari pang lumahok sa ibang military exercises ang Pilipinas.
Gaya ng nalalapit na RIMPAC 2020 na gagawin sa Hawaii.
Una ng kinumpirma ni Lorenzana na may direktiba sa kaniya si Pang. Duterte na huwag makiisa sa anumang joint military exercises sa West Phl Sea.