Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kanila munang pag-aaralan kung anong mga istruktura ang pwedeng itatayo sa Benham Rise na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Tiniyak din ng kalihim na gagawin ng Pilipinas ang lahat para maprotektahan ang Benham Rise.
Ito’y kahit naging magkasalungat ang pahayag nina Pangulong Rodrigo Duterte at Defense Secretary Delfin Lorenzana kaugnay sa namataang presensiya ng Chinese survey ship noong nakaraang taon na hinihinalaang nagsasagawa ng survey sa seabed ng nasabing lugar.
Sa panayam kay Lorenzana, na kanilang napagkasunduan na magsasagawa muna ng survey ang pamahalaan upang makita ang lawak nito.
Ipinag- utos na ng kalihim sa Philippine Navy na magsagawa ng regular patrols sa Benham Rise habang pinag-aaralan sa ngayon kung anong istruktura ang itatayo ng pamahalaan at kung paano ito idevelop.
Sa ngayon hindi pa masabi ng kalihim kung anong istruktura ang itatayo sa lugar.
Pahayag ng kalihim na ang Benham Rise ay napakalawak singlaki umano ito ng Northern at Central Luzon at mayaman sa isdang yellow fin at tuna.
Una ng inihayag ng Kalihim na sila ay nababahala dahil sa presensiya ng Chinese survey ship
sa lugar.
No Comment naman si Lorenzana sa naging pahayag ng pangulo na kaniyang pinayagan ang China na magsagawa ng survey sa Benham Rise.