Pangungunahan ng Philippine at US marines ang kauna-unahang joint military exercises ang ‘Kamandag’ Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat na nakatakda magsimula bukas October 2 at magtatapos sa October 11,2017.
Ayon sa pamunuan ng Philippine Marines na gaganapin ang maneuvers sa Clark and Basa air bases sa Pampanga, Marines Barracks sa Camp Gregorio Lim sa Ternate, Cavite; Crow Valley in Tarlac; Fort Magsaysay in Nueva Ecija; Naval Education and Training Command sa San Antonio Zambales at sa Aurora.
Ayon kay Philipine Marine Spokesperson Capt Maria Rowena Dalmacio na ang Kamandag ay isang bilateral exercises na naka pokus ang nasabing aktbidad sa capability development on humanitarian assistance and disaster response, internbal security operationsat counter terrorism.
Dagdag pa ni Dalmacio na nakatutok din ang nasabing exercises sa pag revitalize sa interoperablity ng AFP at ng US Armed Forces sa pagtugon sa post-crisis response sa pamamagitan ng pagsagawa ng disaster rehabilitaion and rural development sa pamamagitan ng engineering civic action program (ENCAP) at medical action program (MEDCAP).
Ang ENCAP at MEDCAP ay isasagawa sa Northern Luzon partikular sa Casiguran, Aurora.
Pagtiyak ni Dalmacio na ang mga lokal na residente sa lugar ang siyang magiging beneficiary ng medical mission at dalawang eskwelahan sa Casiguran ang magiging beneficiary ng ENCAP.