-- Advertisements --

Naniniwala si Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na mareresolba sa ilalim ni US President Joe Biden ang mga isyung may kinalaman sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sinabi ni Amb. Romualdez, katunayan ay may naplanong bilateral dialogue sa pagitan ng security forces ng dalawang bansa.

Ayon kay Amb. Romualdez, ito naman ay tuloy-tuloy na programa kung saan kada taon ay nagmi-meeting ang AFP at Pentagon o US Armed Forces para talakayin ang isyu ng VFA.

Kaugnay naman sa isyu ng South China Sea, inihayag ni Amb. Romualdez na patuloy na kikilalanin ng US sa ilalim ng Biden administration ang claims ng Pilipinas na naipanalo sa arbitral tribunal.

Sang-ayon daw kay Secretary of State-designate Tony Blinken na ang kanilang polisiya sa China ay magiging halos walang pagbabago sa naging polisiya ng Trump administration.