-- Advertisements --

Handang-handa na ang Philippine women’s national team sa kanilang pagsabak sa 2019 AFF Women’s Championship na gaganapin sa Chonburi, Thailand mula Agosto 15 hanggang 17.

Napabilang sa Group A ang Pilipinas, kasama ang host nation Thailand, Malaysia, Singapore, at Timor-Leste.

Bilang paghahanda sa torneyo, nagsagawa ng closed camp ang Pinay kickers sa Ateneo de Manila University campus.

Hinarap din nila ang Macau sa isang friendly nitong Agosto 3 kung saan sila ang nagwagi, 11-0.

“The Philippine women’s national team has continuously set the bar in recent times,” wika ni Philippine Football Federation secretary-general Atty. Edwin Gastanes. “We wish them luck as they look for a podium finish in the AFF Women’s Championship.”

Bahagi rin ang nasabing torneyo sa preparasyon ng team para sa kanilang kampanya naman sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa.

Magsisilbing head coach ng team si Marnelli Dimzon, na aasistehan nina Gerald Orcullo at goalkeeping coach Melo Sabacan.

Narito ang buong roster ng team:

  1. Mari Rianne Caparros
  2. Stacey Cavill
  3. Inna Palacios
  4. Mea Bernal
  5. Alesa Dolino
  6. Chelo Marie Hodges
  7. Mary Harriette Lam
  8. Claire Lim
  9. Hali Long
  10. Tara Shelton
  11. Calah Simarago
  12. Sara CastaƱeda
  13. Eloiza Fagsao
  14. Patrice Impelido
  15. Kyla Inquic
  16. Charisa Lemoran
  17. Hazel Lustan
  18. Rocelle Maria MendaƱo
  19. Irish Navaja
  20. Camille Rodriguez
  21. Dionesa Tolentin
  22. Alisha del Campo
  23. Quinley Quezada

Bubuksan ng team ang kanilang kampanya kontra sa Malaysia sa Huwebes; na susundan ng Timor Leste sa Agosto 17; Thailand sa Agosto 21; at Singapore sa Agosto 23.