-- Advertisements --

Umabot sa 17 points ang hinabol ng Phoenix para tuluyang talunin ang Terrafirma 103-100 sa kanilang unang laro ng 2021 PBA Governors’ Cup.

Hawak kasi ng Terrafirma ang 67-50 na kalamangan sa kalagitnaan ng third quarter.

Nakalamang na lamang sila 96-94 sa natitirang 3:41 minuto sa last quarter.

Nanguna sa panalo ng Phoenix ang kanilang import na si Paul Harris na nagtala ng 24 points habang mayroong 18 points si Chris Banchero.