-- Advertisements --

Naging maganda ang simula ng taon ng Phoenix Fuelmasters matapos na talunin ang Terrafirma 122-108 sa 49th PBA Commissioner’s Cup sa Philsport Arena.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Donovan Smith na nagtala ng 37 points at limang blocks habang mayroong 16 points si Jason Perkins at 14 points limang assists naman ang naitala ni Ricci Rivero.

Sinabi ni Phoenix coach Jamike Jarin, sa first quarter ay dismayado ito dahil sa naging mahina ang kanilang depensa subalit ikinatuwa na lamang nito ng malusutan ang banta mula sa Dyip.

Nasayang naman ang nagawang 25 points ni Brandon Edwards at 22 points naman ni Louie Sangalang para sa Dyip.