-- Advertisements --

Naitabla na ng Phoenix Super LPG sa 1-1 ang best of five semifinals nila ng TNT Tropagn Giga 110-103.

Bumida sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na mayroong 21 points habang mayroong 20 points, 15 rebounds at apat na assists si Calvin Abueva at 18 points, walong rebounds ang naitala ni Justin Chua.

Umabot pa sa 15 points ang kalamangan ng Phoenix sa pagtatapos first half 60-45.

Napababa ng TNT ang nasabing kalamangan.
Nasayang naman ang ginawang 41 points ni Ray Parks para sa tropang Giga at ito ay na-fouled out na halos limang minutong natitira pa sa last quarter.