Pumukol ng three-pointer si Matthew Wright sa huling 9.8 segundo ng fourth quarter upang dalhin ang Phoenix Super LPG sa semifinals ng PBA Philippine Cup matapos ang makapigil-hiningang 89-88 panalo kontra Magnolia.
Nagmintis ang huling pagtatangka ni Paul Lee para iligtas sana ang laro, dahilan para matuldukan na ang anim na sunod-sunod na panalo ng Magnolia sa PBA bubble.
Si Wright din ang umakay sa Phoenix na kumamada ng 32 points kabilang na ang limang tres, habang nagdagdag naman ng 16 puntos si Jason Perkins.
Sunod na makakasagupa ng Phoenix ang TNT sa best-of-five semifinals na nakatakdang mag-umpisa sa Miyerkules sa Smart Clark Giga City bubble.
Narito ang mga iskor:
Phoenix 89 – Wright 32, Perkins 16, Jazul 9, Abueva 6, Chua 5, Heruela 5, Rios 5, Intal 3, Reyes 3, Mallari 3, Garcia 2, Marcelo 0.
Magnolia 88 – Lee 17, Sangalang 15, Barroca 15, Dela Rosa 11, Banchero 9, Melton 9, Jalalon 8, Reavis 4, Dionisio 0, Corpuz 0.
Quarters: 24-21; 37-39; 66-63; 89-88.