-- Advertisements --

Nagtala na ang kanilang kauna-unahang panalo ang Phoenix Super LPG sa 2024 PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Blackwater 119-114 sa laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Sa third quarter pa lamang ay makikita na ang panalo ng Phoenix dahil sa umabot sa 20 points ang kanilang kalamangan hanggang nahabol ito ng Blackwater sa pamamagitan ng magkakasunod na-three points nina rookie Sedrick Barefield at James Kuwekuteye.

Sinabi naman ni Phoenix coach Mike Jarin na sila ay magsusumikap pa lalo para makakuha ng mga panalo sa mga susunod na laro.

Mayroon na silang isang panalo at pitong talo ang Phoenix habang ang Blackwater ay mayroong tatlong panalo at limang talo.

Nanguna sa panalo ng Fuel Masters si import Brandone Francis na nagtala ng 23 points, 10 rebounds at siyam na assists habang mayroong 20 points si RR Garcia at 19 points at siyam na rebounds naman ang naitala ni Jason Perkins.

Sa panig ng Blackwater ay nanguna si import George King na mayroong 32 points, 19 rebounds at anim na assists.