-- Advertisements --

Tinapos na Phoenix ang kawalan nila ng panalo at pinatikim sa NorthPort ang kanilang unang talo 115-109 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si import Donovan Smith na nagtala ng 32 points at 14 rebounds habang mayroong24 points si Jason Perkins, 15 points naman ang naitala ni Kenneth Tuffins at 14 points naman ang naitala ni RJ Azul.

Pinasalamatan ni Phoenix coach Jamike Jarin ang kaniyang mga manlalaro para maitala ang unang panalo kung saan mayroon na silang apat na talo.

Hindi naman umubra ang 28 points ng import na si Kadeem Jack at 23 point ni Arvin Tolentino at tig-11 points sina Joshua Munzon, Evan Nelle at Sidney Onwubere para sa Batang Pier.