-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng Phoenix ang Meralco Bolts 109-97 sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng Fuel Masters si Tyler Tio na nagtala ng22 points habang Ricci Rivero na nagtala ng 20 points, limang rebounds, dalawang assists at dalawang blocks at 19 points, limang rebounds at isang assists naman si Jason Perkins sa laro ng ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Sinabi ni Phoenix head coach Jamike Jarin na kinailangan nilang manalo matapos ang pagkakaroon ng dalawang talo at wala pang panalo.
Mayroon ng isang panalo at dalawang talo na ang Phoenix habang ang Bolts ay mayroon ng dalawang panalo at dalawang talo.
Hindi naman umubra ang nagawang 18 points ni Chris Newsome habang mayroong 17 points si Bong Quinto ng Bolts.