-- Advertisements --
PHOENIX SAN MIG

Winakasan na rin ng Phoenix ang kanilang tatlong sunod na kamalasan matapos na masilat ang Alaska, 78-76 sa nagpapatuloy na 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ang panalo ng Fuel Masters ay naglagay sa kanila sa 2-3 record.

Mistulang regalo rin ito sa pagbabalik ni coach Louie Alas matapos ang two-game suspension.

Naging susi sa panalo ng team ang big game ng import na si Richard Howell na may 24 points at 29 rebounds.

Samantala, para sa Alaska natuldukan na rin ang kanilang three game winning streak.