-- Advertisements --

Itinuturing na isang milagro ang panalo ng Phoenix Super LPG laban sa Rain or Shine 78-77 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Naging bida sa panalo si Matthew Wright kung saan matagumpay ang shot nito na siyang naging susi sa panalo ng koponan sa laro na ginanap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacoor, Pampanga.

Kinailangan pa ng Fuel Masters ang 17 points sa last quarter para maipanalo ang laro.

Sa natitirang dalawang segundo ng laro ay nagtagumpay si Wright para maipasok ang winning shots.

Nanguna sa panalo ng Phoenix si Jason Perkins na mayroong 18 points, 12 rebounds at limang assists habang mayroong 18 points din si RR Garcia at 12 points naman ang naitala ni Chris Banchero.