-- Advertisements --

Pinahiya ng Phoenix Super LPG ang defending champion San Miguel Beermen 110-103 sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup.

Binuhat ni RJ Jazul ang Phoenix na nagtala ng 33 points sa laro na ginanap sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga.

Nag-ambag naman ng 27 points at 10 rebounds si Jason Perkins habang mayroong 10 points, 10 assists si Matthew Wright at 7 ponts, 17 rebounds si Justin Chua para sa Phoenix.

Ipinagmalaki ni Phoenix coach Topex Robinson ang kaniyang koponan dahil sa malaki ang improvements na kanilang ipinamalas.

Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang Fuel Masters habang mayroong limang panalo at tatlong talo ang Beermen.