-- Advertisements --

Sumama sa ensayo ng Gilas Pilipinas si Phoenix Pulse player Justin Chua sa Meralco Gym nitong Linggo ng gabi.

Hindi naman binanggit ng Gilas Pilipinas kung ano ang magiging papel sa national ng 30-anyos na center.

Pinangunahan nina program director Tab Baldwin at interim coach Mark Dickel ang nasabing ensayo ng national team.

Magugunitang dahil sa injury ay hindi makakasama sa FIBA Asia Cup qualifiers sina Christian Standhardinger at Mac Belo habang nasa honeymoon pa lamang si Japeth Aguilar.