Kinokonsidera umano ng beteranong player na si Jae Crowder ng Phoenix Suns na bumalik ng Miami Heat kapalit ni PJ Tucker na lumipat na rin sa ibang team.
Maalalang si Crowder ay miyembro ng koponang Miami Heat hanggang sa makarating ito sa 2020 NBA Finals sa Orlando bubble.
Dagdag dito, napagkasundan at napag-usapan na daw ng Phoenix at ni Crowder na hindi siya lalahok sa training camp ngayong darating na season.
Una rito, si Crowder ang naging isang susi para makaabot ang Suns sa 2021 NBA Finals,
Nag-a-average siya sa puntos na 9.7, limang rebounds at 1.1 steals kada 27.8 minutes.
Inaasahan naman na magpapahinga muna ang star player sa panahon na magsisimula na ang training camp.
Lumutang din naman ang imporasyon na ang katulad daw ni Crowder ang nais ding makuha ng Lakers para makompleto ang kanilang line up. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)