-- Advertisements --
fiba RICKY RUBIO

Patuloy ang pagbuhos nang pagbati sa NBA star na si Ricky Rubio makaraang tanghaling most valuable player sa katatapos lamang na FIBA Basketball World Cup sa China.

Una rito doble aginaldo ang natanggap ni Rubio, 28, dahil liban sa prestihiyosong TISSOT Most Valuable Player Award nagkampeon pa ang kanyang national team na Spain nang ilampaso sa Finals ang Argentina, 95-75.

Samantala, hindi rin nagpahuli sa pagbati ang Phoenix Suns dahil sa unang pagkakataon ay maglalaro na sa kanila si Rubio makaraang makuha mula sa Utah Jazz noong buwan ng Hulyo sa halagang $51 million sa loob ng tatlong taon.

Sa isang Twitter post, ginamit ng Suns ang salitang “historic.”

Para naman kay Rubio espesyal ang naging kampanya ng kanilang team sa FIBA.

“This tournament is special. This place will always be special, now and all time,” ani Rubio. “Everything started here, but it doesn’t end here. This place holds a great chapter of my life.”

Sinasabing ang ipinakitang bigtime performance ni Rubio sa FIBA World Cup, lalo na ang kanyang playmaking at scoring prowess ay masusubok pagbalik niya ng Amerika kasama ang ilang nakababatang players ng Suns.

Sa susunod na buwan ng Oktubre ay aarangkada na ang exciting 2019-2020 season ng NBA.