Naghain ng asunto ang dating program manager ng Phoenix Suns na si Andrea Trischan dahil sa umano’y diskriminasyon na ginagawa sa kanya ng koponan.
Si Trishchan ay dating nagsilbi bilang program manager of diversity, equity and inclusion ng naturang koponan.
Humihiling siya ng $60 million na kabayaran dahil sa umano’y diskriminasyon, harassment, at mga panlalait na inabot niya habang nagtatrabaho sa Suns.
Ayon sa kanya, dumanas siya ng mga racist comment mula sa mga kasamahan sa Suns at lagi-lagi din umanong binubulyawan ng mga ito, lalo na ang mga mas mataas sa kanya.
Makailang-ulit na rin umano niyang inireport ang isyu sa Human Resource Department at sa mga Suns executive ngunit wala umanong ginawa ang mga ito upang matugunan ang kanyang mga reklamo.
Una nang na-hire si Trischan noong Setyembre 19, 2022. Isa sa kanyang pangunahing trabaho ay ang tugunan ang mga isyu at problemang kinakaharap ng mga empleyado at mga player ng koponan.
Tuluyan siyang tinanggal noong July 2023 matapos niyang maglatag ng performance improvement plan para sa mga empleyado sana ng koponan.