-- Advertisements --

Tinambakan ng Phoenix Suns ang Portland Trailblazers ng 21 points para makuha ang ika-apat na sunod na panalo.

Nagtulungan ang tatlong starter ng Suns upang kumamada ng 50 points: 21 points mula kay Bradley, 18 points kay Jusuf Nurkic habang 41 points ang nagawa ni Chimezie Metu.

Naging madali para sa Suns na itumba ang Trailblazers kung saan sa pagtatapos ng 3rd quarter ay hawak na nito ang 17 big points na kalamangan, gamit ang magandang opensa ni Bradley Beal.

Dahil sa panalo, 18-15 na ang win loss record ng koponan para umangat sa ika-8 na pwesto habang ang pagkatalo ng Portland ay ang ika-22 na nitong nalasap ngayong season, sa loob ng 31 games na pinagdaanan ng koponan.