-- Advertisements --

Ayaw pa ring papigil sa pamamayagpag ang Phoenix Suns nang iposte ang ika-18 sunod na panalo laban sa Detroit Pistons, 114-103.

Batay sa kasaysayan, maituturing ito na franchise record.

Nanguna sa diskarte ng Phoenix sina Cam Johnson at Cameron Payne na kapwa merong 19 points.

Hindi naman nagpahuli si Deandre Ayton na nagpakita ng 17 points at 12 rebounds para mapaganda pa ang kanilang record na 19-3 ngayong season kahit hindi nakapaglaro ang kanilang leading scorer na si Devin Booker sa unang pagkakataon ngayong season.

Sinasabing ang two-time All-Star ay dumanas ng left hamstring injury matapos ang game nitong nakalipas na Miyerkules laban sa Warriros.

Samantala kinapos ang ginawa ni Jerami Grant kahit may 34 points para sa Detroit kaya lalo silang nasadlak sa 4-18 record.