-- Advertisements --

Wala pa ring awa ang top team na Phoenix Suns sa mga kalabang teams sa NBA matapos na talunin ang Sacramento Kings sa overtime game, 127-124.

Kung tutuusin wala ng bearing o halaga pa ang natitirang 10 games Phoenix dahil sila ang pinakaunang koponan na pasok na sa nalalapit na NBA playoffs.

Ang playoffs at tinatawag na play-in tournament ay magsisimula na sa susunod na buwan.

Samantala, sa ngayon nakatipon na ang Suns ng 58 panalo, habang ang Kings naman ay pang-13 ang ranggo sa mga teams sa Western Conference ay nalasap naman ang ika-48 pagkatalo.

Muling nanguna sa opensa ng Phoenix si Devin Booker na nagbuhos ng 31 points at seven rebounds.