-- Advertisements --

Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup ang Phoenix Super LPG Fuel Masters.

Ito ay matapos na malusutan ang Meralco Bolts 88-84 sa kanilang do-or-die quarterfinal games sa Mall of Asia Arena sa lungsod ng Pasay.

Bumida sa panalo ng Super LPG si Jonathan Williams na nagtala ng 20 points at 16 rebounds.

Hawak ng Fuel Master ang kalamangang 18 points hanggang mailapit ito ng Bolts sa last quarter ng maitala nila ang diretsong 11 points.

Dahil sa panalo ay makakaharap ng Fuel Masters ang Magnolia Chicken Timplados Hotshots sa semifinals.